KALIBO, Aklan – Aabot sa siyam na estudyante ng Altavas National High School sa Aklan na kinabibilangan ng walong babae at isang lalaki ang sinapian umano ng masamang espiritu makaraang maglaro ng isang mobile app dakong alas-3:00 ng hapon sa Barangay Poblacion sa naturang bayan.
Dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari, pansamantalang nasuspinde ang klase sa nasabing paaralan sa takot na masaniban din ang ibang mga mag-aaral.
Agad na ipinatawag ang magulang ng mga estudyante na pawang nasa Grade 7 upang ipaalam ang pangyayari.
Sinasabing ang mga sinapiang estudyante ay nagtataglay ng kakaibang lakas na halos hindi mahawakan habang ang iba naman ay mistulang naninigas ang katawan dahilan na humingi ng tulong ang pamunuan ng paaralan sa dalawang pastor.
Isa umano sa mga sinapian ang nag-download ng application na “Charlie Charlie Challenge” at naglaro nito na sinasabing katulad ng nag-viral na “Momo Challenge.”