-- Advertisements --
Nilalapatan na ng lunas sa Labuan Public Hospital ang siyam na estudyanteng nagtamo ng sugat at bugbog makaraang mabagsakan ng bubong ng kanilang pansamantalang class room sa Sinubong National High School, Zamboanga City.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 spokesperson Police Maj. Helen Galvez, naitala ang insidente bandang alas-8:30 nitong Lunes ng umaga.
Nasa Grade 7 at 9 umano ng naturang paaralan ang mga naitalang biktima.
Isa sa tinitingnang dahilan ng pagbagsak ay bunsod ng matinding buhos ng ulan nitong weekend.
Inaalam naman ng mga otoridad kung may pananagutan ang contractor ng bumagsak na istraktura dahil noong 2018 lang naman ito naitayo.