-- Advertisements --

DodongSinas

Gumagalaw na ang mga tracker teams ng Philippine National Police (PNP) para arestuhin ang siyam na dating pulis na nasa likod sa pagpatay sa apat na Army Intelligence officers nuong nakaraang taon.


Kinumpirma naman ni PNP Chief General Debold Sinas na ang siyam na mga dating pulis ay nakabalik na sa Sulu at subject na ng manhunt operations matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga ito.


” Meron tayong tracker teams ng CIDG,IG at PRO BAR. Nandun na sila ngayon sa Jolo,” pahayag ni PNP chief Sinas.

Ayon kay Sinas, sa ngayon may mga nakikipag usap na sa kanila, matapos na magpadala ng surrender feelers ang ilan sa mga ito.

Siniguro naman ni Sinas na sandaling sumuko ang mga ito, kaniyang tinitiyak ang kaligtasan ng mga dating kabaro.

Nitong buwan lamang ng Enero pinirmahan ni Sinas ang dismissal order laban sa siyam na mga dating pulis matapos makitaan ng probable cause ng PNP Internal Affairs Service (IAS) sa kanilang kasong administratibo.

Matapos masibak sa serbisyo, pinalaya ng PNP ang siyam na mga dating pulis matapos na hindi pa naglabas ng warrant of arrest ang korte.


” Hinihintay namin yung iba. Ang manhunt ay nandun sa Jolo. According to last report ay nandun na sila lahat sa Jolo nakauwi na. So we are negotiating for some na yung gustong mag surrender na nakipag negotiate na i-assure yung safety nila. Ang sabi ko as long as they will surrender wala akong problema but the manhunt is still ongoing,” wika ni Gen. Sinas.