GENERAL SANTOS CITY – Kasong paglabag sa RA 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998 ang isasampa laban siyam na mangingisda na nahuling gumagamit ng “likom” o pino na isang uri ng lambat.
Ito ang pahayag ni Col. Pedro Soliva, commanding officer ng PNP Maritime-General Santos City matapos maaresto ang mga suspek sa isinagawang one time bigtime operation ng mga otoridad sa mga mangingisda na gumagamit ng dinamita at likom.
Kinumpirma ni Soliva na nasa kustodiya nila ang mga suspek na sina Richard Tugahan, Ronron Ricatu, Sammy Zabala, Jericho Rosales, Petronio CastaƱarez Jr, Rey Pable, Danny Manghilawas, Erwin Timtim at John Mark Rosales na pawang mga residente ng Kamanga, Maasim Sarangani Province.
Nasa kustodiya rin ng pulisya ang bangkang FBCA Julia 2 na pagmamay-ari ng isang Ronilo Aldarina na residente rin ng nabanggit na lugar.
Nakuha rin ang lambat na ginamit sa iligal na pangingisda pati ang halos 20 kilo ng iba’t ibang uri ng isda.
Una nang kinumpirma ng opisyal na marami umanong nangingisda sa Sarangani Bay na gumagamit ng likom na kadalasang nakakatakas sa kamay ng mga otoridad.