Winakasan na ng Orlando Magic ang paghahari ng Los Angeles Lakers sa sariling teritoryo nito nang masilat sa iskor na 119-118.
Nagawang tuldukan ng Magic ang siyam na sunod-sunod na panalo ng Lakers mula pa noong buwan ng Disyembe.
Sumandal sa mahika ni Markelle Fultz ang Orlando gamit ang dalawang big layups sa final minute na sinabayan pa ng 21 points kasama ang second career triple-double performance.
Liban nito meron ding 11 rebounds at 10 assists si Fultz.
Malaking bagay din ang ipinakita ni Aaron Gordon nang magtala ng 21 points kasama na ang go-ahead basket para ma-upset ang top team sa Western Conference.
Umeksena rin sa Magic sina Wes Iwundu na nagtala ng career-high 19 points at Nikola Vucevic na nagbuslo ng pito sa 19 points sa loob lamang ng fourth quarter.
Ang big win ng Magic (20-21) ay kanilang ikawalo sa loob ng 12 games.
Sa kampo ng Lakers, angat pa rin ang naging laro ni LeBron James na may 19 points pati na ang career high na 19 assists.
Minalas si James sa kanya sanang 3-pointer na may 3 seconds ang nalalabi para tangkaing itabla ng Lakers (33-8) ang game.
Ang isa pang player na si Quinn Cook ay nagtapos naman sa season-high na 22 points.
Sinasabing pang-apat na itong sunod na panalo ng Lakers na wala ang injured superstar na si Anthony Davis.
Ang next five-game ng Los Angeles ay mangyayari na sa kanilang road trips.
Sunod namang makakalaban ng Magic ay ang Clippers sa Biyernes doon pa rin sa Staples Center.
Ang Lakers naman ay bibisita sa Houston Rockets sa laro na magaganap sa Linggo.