Nag-iwan ng pinsala ang bagyong Kristine sa 9 na health facilities sa 4 na rehiyon sa bansa partikular na sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Calabarzon, at Bicol.
Sa CAR, nagtamo ng pinsala ang Ucab Barangay Health Station, Bunot Barangay Health Station, Bantay Barangay Health Station at Betwagan Barangay Health Station
Sa Ilocos region naman nakapagtala ng sira sa Caba District Hospital habang sa Calabarzon: Batangas Provincial Hospital at Magalona Barangay Health Station
Sa Bicol, nagtamo din ng pinsala ang Bicol Medical Center at Bicol Regional Hospital and Medical Center.
Iniulat din ng DOH na ilang ospital ang nawalan ng kuryente, habang ang iba ay napinsala ang kanilang mga internet server.
Sa kabila nito, tiniyak ni Sec. Herbosa na mananatiling operational ang mga ospital, bagama’t ang ilan, tulad ng mga pagamutan sa Batangas, ay hindi pa maabot sa ngayon dahil sa baha.
Bilang tugon, ayon sa kalihim may P97 million na halaga ng medical at public health supplies ang ipinamahagi, kabilang ang P36 million para sa water sanitation at hygiene cans para sa maiinom na tubig, P6.8 million para sa nutrition at P1.79 million para sa mental health at psychosocial support.