LAOAG CITY – Pagmumultahin ang may-ari ng siyam na heavy equipment matapos sitahin ng Marcos Municipal Police Station dahil sa iligal na pagku-quarry sa Brgy. Escoda, Marcos, Ilocos Norte.
Umabot sa P99,000 ang kabuuang multa kung saan P11,000 sa bawat heavy equipment na pagmamay-ari ni Efren Remigio ng Remigio General Construction.
Ayon kay Mark Francis Salvatierra ng Provincial Quarry Office, hindi pa nagbayad ang may-ari sa kanyang multa matapos malabag nito ang Provincial Tax Ordinance.
Nananatili sa kustodiya ng PNP ang dalawang 10-wheeler truck at nasa kustodiya naman ni Engr. Mar Ruiz ang tatlong backhoe, transit mixer at isang payloader.
Nabatid na walang permit sa pag-quarry ang mga heavy equipment dahilan upang bigyan ng citation ticket.