-- Advertisements --

Sugatan ang siyam na inmate ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City matapos ang naganap na pamamaril.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Corrections, nagkaroon ng alitan ang dalawang preso mula sa magkalabang grupo.

Matapos ang pagkakaayos ng dalawa ay may isang preso ang biglang nagpaputok ng baril na tinamaan ang isang malapit sa lugar.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung paano nagkaroon ng baril ang isang preso sa loob ng NBP.