-- Advertisements --
image 217

Umakyat pa sa 19,000 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng tumagas na langis sa Oriental Mindoro ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bunsod ng patuloy pang pagkalat o lawak na ng naapektuhan ng tumagas na langis.

Kaugnay nito, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian puspusan ang kanilang pagbibigay ng food packs para matulungan ang mga pamilya lalo na ang mga mangingisda na hindi makapalaot para mangisda dahil sa maaaring idulot na masamang epekto sa kalusugn ng oil spill.

Aniya, kanilang ipagpapatuloy ang pagbibigay ng food packs hanggang sa makabalik na ang mga mangingisda para mamalaot at ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Bibigyan din ng trabaho ang mga mangingisda sa pamamagitan ng cash for work program ng ahensiya.

Babayaran ang mga ito ng minimum wage sa loob ng 15 araw at ang payout ay kasa limng araw.

Ayon pa sa DSWD chief na posibleng palawigin pa ang programa nang lagpas sa 15 araw.