-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Aabot sa siyam na mga kabataan na biktima ng child exploitation at online trafficking ang nasagip ng mga kapulisan sa bayan ng Naval, Biliran.

Kabilang sa mga kabataan na nasagip ay edad 8 buwan, tatlong taon, 14 yrs old at 16 taong gulang.

Ayon kay Pol/Col Romeo Perigo, Hepe ng Women and Children protection center for the Visayas, na nito lamang hunyo nang makatanggap sila ng reklamo ukol sa nangyayaring online trafficking.

Nagsagawa naman ito ng entrapment operation sa isang inn sa Rosario, Naval ngayong hapon, na kung saan nahuli ang suspek na si alyas Anna, 19 taong gulang at live-in partner nito na si alyas na Raul.CNagsagawa naman ito ng entrapment operation sa isang inn sa Rosario, Naval ngayong hapon, na kung saan nahuli ang suspek na si alyas Anna, 19 taong gulang at live-in partner nito na si alyas na Raul.

Ayon kay Perigo, na binebenta umano ng mga suspek ang litrato ng mga biktima at ipinapakita pa online ang mga malalaswang bahagi nito.

Mapapag-alaman na anak ni Alyas Anna ang dalawa sa mga nasagip na mga kabataan.

Nanatili naman sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and development (DSWD) ang mga kabataan samantala nasa kustodiya ng Naval Police Station ang mga suspek at nahaharap sa karampatang kaso.