-- Advertisements --

KORONADAL CITY — Umabot sa siyam na kasapi ng New People’s Army o NPA sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat ang sumuko.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar, ang mga sumuko ay miyembro ng West Daguma Front, Far South Mindanao Region (FSMR) na naging militia ng Bayan at umano’y ni-recruit ng isang Edgar Kandi na sumali sa Communist Terrorist Group o CTG.

Sumuko ang mga ito sa Sitio Tinapakan, Barangay Datu Ito Andong at Sitio Nursery ng Barangay Sta. Clara sa bayan ng Kalamansig.

Bumalik loob sa gobyerno ang mga ito upang muling mamuhay ng normal at matiwasay kasama ng kanilang pamilya.

Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang 10 shotgun at isang homemade kalibre 38 revolver.