CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9287 ( illegal gambling) ang 9 katao na naaresto sa isinagawang gambling operation sa Sitio Disigit, barangay Gangalan. San Mariano, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Julius Telan, Deputy Chief ng San Mariano Police Station na simula pa noong buwan ng Marso ang pagsasagawa ng Tupada sa nabanggit na lugar ngunit palaging natutunugan ng mga pinaghihinalaan ang kanilang operasyon.
Napakalayo anya ng lugar at may ilog pang daraanan bago marating ang lugar kung saan nagsasagawa ng tupada
Sinabi pa ni PLt. Telan na mayroong nag-ulat sa kanilang himpilan na may nagsasagawa ng tupada na kanilang beneripika na ikinadakip ng siyam katao mula sa halos 30 pinaghihinalaan na ang ilan ay nakatakas.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang PNP San Mariano sa pangyayari at inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga nakatakas na suspek upang masampahan ng kaso.
Samantala, naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isa sa mga pinaghihinalaan na nahuli na nagpunta sila sabungan ngunit nabigla sila sa narinig na putukan.
Hindi naman malaman ng pinaghihinalaan kung kanino at saan nagmula ang putok ng baril at may nagsabi na dapa ngunit nagawa niyang tumakbo
Nakilala naman ang nasugatan sa nasabing gambling operation at sinampahan ng kaso na si Randy Talosig, tatlumput tatlong taong gulang na ginagamot ngayon sa San Mariano Medicare and Hospital
Kasama sa nasampahan ng kaso sina Randy Bulan, 42 anyos ; Dominador Paguirigan, 60 anyos ; Leomar Soriano, 19 anyos; Marcial Antonio, 25 anyos ; Edito Fernandez, 52 anyos ; Reymart Agustin, 23 anyos ; Vicente Cristobal,62 anyos at Marino Bala, 24 anyos, pawang residente ng San Mariano, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isa sa mga pinaghihinalaan kanyang sinabi na nagtungo sila sa nabanggit na lugar upang pumusta sa sabong.
Sinabi pa ng pinaghihinalaan na matagal na ang pagsasagawa ng sabungan at alam din ng kanilang mga opisyal ng barangay .