-- Advertisements --

Nasawi ang 9 na katao matapos sumabog ang Lewotobi Laki-laki volcano sa eastern Indonesia kahapon, Nobiyembre 3.

Nagbuga ng explosive lava plumes ang bulkan na nagbunsod sa mga awtoridad na ilikas ang ilang mga residente mula sa karatig na village sa lugar.

Ang naturang bulkan ay matatagpuan sa Flores Island sa East Nusa Tenggara province.

Ayon kay Center of Volcanology and Geological Hazard Mitigation (PVMBG) spokesperson Hadi Wijaya, nagluwa ang bulkan ng nagbabagang lava, volcanic ash at nagniningas na mga bato.

Matapos ang pagsabog, nawalan ng suplay ng kuryente saka umulan at nagkaroon ng malaking kidlat na nagdulot ng panic sa mga residente doon.

Bunsod nito, itinaas na ng mga awtoridad sa pinakamataas na alerto ang status ng bulkan na Alert level 4.

Inirekomenda na rin ng ahensiya na lisanin ang 7-kilometer radius mula sa bulkan. Base kasi sa ulat may ilang mga kabahayan ang napinsala at nasunog dahil sa nagbabagang lava at mga bato na tumama sa karatig na mga bahay apat na kilometro mula sa crater.

Ang Indonesia ay nakapaloob sa Pacific Ring of Fire.