-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Madadaliin ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Loreto, lalawigan ng Agusan del Sur ang pagre-repair sa bumigay na hanging bridge na nagkoneta sa Brgy. Santo Tomas at Brgy. Magaud matapos itong gamitin ng maraming mga tao.

Makikita sa video ang ilang katao na nagkanya-kanyang kapit sa tulay habang ang iba naman ay nagsilanguyan patungo sa tabing-ilog para sa kanilang kaligtasan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot sa siyam katao ang sugatan sa nasabing insidente.

Napag-alamang nasa completion stage pa ang naturang hanging bridge at dahil sa pagtaas ng water level ng ilog kung kaya’t dito dumaan ang mga residente sa dalawang mga barangay.