-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Arestado ang siyam na katao sa Upper Tadiangan, Tuba, Benguet dahil sa pagsasagawa nila ng transaksyon na konektado sa iligal na droga.

Ayon sa Tuba Municipal Police Station, nahaharap sa kasong Malpractice in Labor at paglabag sa Anti-Cyber Crime Law ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang ilang sets ng computer na kanilang ginagamit sa iligal na aktibidad.

Naipasakamay na sa National Bureau of Investigation ang mga suspek.

Nakikipag-ugnayan ang Bombo Radyo-Baguio sa pulisya para malaman ang naging modus ng mga suspek.