-- Advertisements --

Iniulat ni DILG Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na umakyat na siyam ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa Calabarzon dahil sa Bagyong Carina at Habagat.

Ginawa ni Abalos ang ulat sa isinagawang situation briefing na pinangunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng magtungo ito kaninang umaga sa Mauban, Quezon.

Nais kasi malaman ng Presidente ang sitwasyon at kalagayan ng ating mga kababayan duon sa lugar matapos ang pananalas ng Bagyong Carina at Habagat.

Sinabi ni Abalos, ang mga naitalang isa ang nasawi mula sa Panukuluan, Quezon; apat sa Batangas; at merong tig-isa sa Kawit Cavite; San Mateo at Rodriguez sa Rizal.

Habang meron namang tatlong naiulat na missing, kabilang dito ang tatlong nawawala sa Rizal at isa sa Cavite.