Nagsimula nang umasiste sa mga motorista ang siyam na ‘Lakbay Alalay’ center na itinayo ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR).
Ang mga ito ay sadyang itinayo ngayong Semana upang umalalay sa mga motoristang uuwi sa mga probinsya, lalo na sa mga posibleng magkaka-aberya sa daanan.
Ang siyam na Lakbay Alalay stations ay matatagpuan sa mga sumusunod:
McArthur Highway, Marulas, Valenzuela City
C-4 Road, Bagumbayan North, Navotas City
H. Lacson Ave. cor España Blvd., Sampaloc, Manila
Bonifacio Drive (Southbound), Port Area, Manila
SM Sucat (under C-5 Road extension flyover)
Commonwealth Ave. cor San Simon St, Quezon City
790 EDSA Diliman, Quezon City (in front of DPWH Region IV-B)
Marcos Highway Eastbound, Pasig City (under pedestrian footbridge, cor. A. Rodriguez Ave.)
Alabang Viaduct (behind Petron gasoline station)
Umapela naman si DPWH-NCR Regional Director Loreta M. Malaluan sa publiko na mag-ingat sa pagmamaneho, siguruhing maayos at naka-kondisyon ang kalagayan ng mga sasakyan, at magbaon ng mahaba-habang pasensiya.
Nakahanda aniya ang mga station na umalalay sa sinumang motorista na mangangailangan ng tulong; habang maaari namang tumawag sa DPWH-NCR Hotline, 304-39-04 o 304-36-20.
Magtatagal ang mga Lakbay Alalay station hanggang sa Abril-19.