-- Advertisements --

Tinukoy ng OCTA Research Group ang limang lungsod sa Mindanao bilang mga lugar na “areas of concern” dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ito ay kinabibilangan ng Davao, Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal at Cotabato.

Inaasahang malalampasan ng lungsod ng Davao ang Quezon City na may pinakamaraming bagong kaso bago sa susunod na linggo.

Sinabi ng grupo sa kanilang pinakabagong ulat na ang nasabing mga lungsod ay nakapagtala ng 206 new cases mula Mayo 31 hanggang Hunyo 6.

Nasa 54 percent ang growth rate nito habang 11.34 ang average daily attack rate.

Sa parehong panahon, ang Cagayan de Oro naman ay nagtala ng 130 bagong kaso, ang General Santos na may 69, Koronadal na may 55 at Cotabato City na may 45.

Kabilang din sa mga lugar na areas of concern ay ang Bacolod na may 123 kaso, Iloilo City na may 114 kaso, Tuguegarao na may 63 at Dumaguete City na may 42 kaso.

Samantala, sinabi ng grupo na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay pababa na pagkatapos ng isang linggo na “unstable trends.”

Napag-alaman na ang lungsod ng Davao at ang Cagayan de Oro ay inilagay sa ilalim ng modified enhanced commonunity quarantine (MECQ), habang ang General Santos City ay isinailalim sa general quarantine quarantine (GCQ).

Samantala, nilinaw naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa sila magde-deploy ng mga health care workers mula sa National Capital Region patungo sa iba pang mga rehiyon na nakikita ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Aniya, sinusuri pa nila ngayong ang mga kakayahan ng ospital sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng coronavirus disease.

Tinutukoy umano ng kanilang kagawaran ang mga pangangailangan.

Nagpadala na rin sila ng mga supply tulad ng mga PPE (personal protection equipment), mga gamot at pondo para sa mga ospital.

Sinabi ni Vergeire na ang pagpapadala ng pagdaragdag ng manpower mula sa NCR ay isa sa mga diskarte na isasagawa ng DOH ngunit hindi pa ngayon.