-- Advertisements --

Umaabot na sa siyam na mga madre mula sa Religious of the Virgin Mary (RVM) ang pumanaw dahil sa COVID-19.

rvm CONVENT QC

Kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na ang mga pumanaw na madre ay edad 70 hanggang 98-anyos at pawang mayroong comorbidities.

Noong Setyembre 13 anila nang unang maitala ang COVID-19 related deaths sa loob ng kumbento, habang ang pinakahuli naman ay noon lamang Setyembre 21.

Ang mga pumanaw na madre ay kabilang sa 100 personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang 62 dito ay pawang mga madre.

Nabatid na mula noong Setyembre 15 ay naka-lockdown ang RVM compound sa Quezon City.