BUTUAN CITY – Nahanap na ng Philippine Coast Guard (PCG) Surigao del Norte ang pito sa 20 mga tripulante ng barge na sumadsad sa Malimono, Surigao del Norte nitong nakaaraang araw dahil sa bagyong Bising.
Sa panayam ng Bombo Rady Butuan, sinabi ni Elaine Pangilinan ang commander sa Philippine Coast Guard PCG-Surigao del Norte na maliban sa pitong survivors, apat din ang natalang casualty at missing pa rin ang siyam na iba pa.
Inihayag ni Pangilinan na nasa maayos na kalagayan na ang mga survivors sa pangangalaga ng Caraga Regional Hospital sa Surigao City at Malimono District Hospital habang ang dalawa sa apat na natagpuang patay ay na-turn-over na kanilang pamilya.
Sinabi rin ng Pangilinan na hindi ititigil ang search and rescue operations teaam hanggang hindi nahahanap ang siyam pa na nawawala.
Una nang kinilala ang mga casualties na sina Norman Galon, Michael Inoc, Jose Sherwin Laniba at Mark Evan Cuesta.
Inilahad din ng opisyal na hindi pumalaot ang Landing Craft Tank (LCT) Cebu Great Ocean sa kasagsagan ng masamang panahon noong Lunes kundi nag “take shelter” lang aniya ito sa karagatang sakop ng Jabonga, Agusan del Norte mula sa pinanggalingan nitong minahan sa Tubay na sakop ng nasabing probinsya.
Naputol aniya ang anchor chain ng nasabing barge dahil sa malalaking alon hanggang sa matangay ito at nagpalutang-lutang at mapunta sa karagatang sakop ng Bohol Sea.
Dito na aniya nagdesisyon ang kapitan na abandonahin na ang nasabing barge.
Kargado aniya ng nickel ore at langis ang nasabing barge.
Pagkatapos pa rin aniya ng search and rescue operations saka pa lamang gagawa ng malalimang imbestigasyon ang PCG.
Narito ang mga survivors:
- Noli Labucay – found at Brgy. Cayawan, Malimono; currently at the Malimono Regional Health Unit (RHU)
- Roger Polo (Chief Mate) – found at Brgy. Balite, San Francisco; currently at the Caraga Regional Hospital
- Arjie Bacarra – found at Brgy. Balite, San Franciso; currently at the Caraga Regional Hospital
- Joejie Villanueva – found at Brgy. Balite, San Franciso; currently at the Caraga Regional Hospital
- Felipe Quebuen – currently at the Caraga Regional Hospital brought by an unidentified person
- John Renzo Guanzon – brought to PNP Malimono by a resident of Malimono; currently at the Malimono RHU
- Junmar Galeos – found at Brgy. Jubgan, San Francisco; currently at the Malimono RHU