-- Advertisements --

COTABATO CITY- Naitala ang pang-sampung kaso ng coronavirus disease sa Cotabato City.

Sa huling tala ng Center for Heath Development, ang naturang bagong kaso ay 9 months old na batang lalaki, residente ng Cotabato City at may exposure sa ika-23 na nagpositibo COVID-19 sa lungsod.

Kasalukuyan na itong naka-isolate at nasa stable na kondisyon.

Pinag-iingat naman ni Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang kaniyang nasasakupan dahil sa sunod-sunod na naitatalang kaso ng nasabing virus kung saan karamihan ng mga pasyente ay asymptomatic.

Bunsod nito, mas pinaigting din ang Traffic Scheme at No Movement Sunday sa lungsod upang mapigilan ang paglabas ng mga residente at pagkumpulan ng mga sasakyan.

Sa datos ng Region 12, sa sampung nagpositibo ay anim ang gumaling na habang minomonitor ang apat na naka-home quarantine at naka-isolate.