BUTUAN CITY – Umakyat na sa siyam katao ang namatay habang nadagdagan pa ang mga nakakaranas ng dehyradtion at diarrhea sa Siargao Islands sa lalawigan ng Surigao del Norte at sa Dinagat islands, dalawang linggo ang nakalipas matapos ang paghagupit ng super typhoon Odette.
Ayon sa Department of Health (DOH) Caraga, ito’y dahil pa rin sa kakulangan ng supply ng malinis na tubig-inumin.
Dahil dito’y tututukan ng ahensya ang paglalagay ng emergency water treatment facilities sa mga apektadong lugar.
Una nang ini-ulat ng Provincial Health Office ng Dinagat Islands province na wala ng acute gastroenteritis outbreak sa kanilang lalawigan dahil sa steady na supply ng malinis na tubig-inumin.
Sa huli nilang talaan, isa ang nadagdag na namatay dahil sa nasabing sakit na mula sa Brgy. Roma sa bayan ng Basilisa ng Dinagat islands at kahapon ay nadagdagan naman ng 16 na mga kaso mula sa naturang bayan na ngayon ay nasa ospital na.