Nasa siyam katao ang namatay sa loob ng tatlong araw kung saan mahigit 100 avalanches ang tumama sa Austria.
Karamihan sa mga avalanches ay naitala sa kanlurang rehiyon ng Tyrol at noong Biyernes lamang ay nakapagtala ang lugar ng limang nasawi ayon pa sa mga rescue services.
Sinabi ng pulisya na isang insidente ang kumitil sa buhay ng isang grupo ng mga Swedish skier kasama ang isang mountain guide malapit sa Swiss border.
Natangay ang guide at apat sa grupo kung saan isang miyembro lang ang nakaligtas.
Nagawa niyang makahingi ng tulong at pinasakay ito ng helicopter.
Napag-alaman na sa mga nagdaang taon, nakapagtalata ang Austria ng 20 patay dahil sa avalanches.
Mas kaunti ito sa nakalipas na dalawang taon matapos ang pandemya ay lubos na nabawasan ang bilang ng mga skier.