LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Captain Joseph Tayaban, chief of police ng PNP-Badoc ang pagkakahuli ng sampung katao dahil sa iligal na pagsusugal sa Barangay Alay sa nasabing bayan.
Ayon kay Tayaban, may tumawag umano sa kanilang himpilan na mayroong mga nagsusugal kaya’t agad silang nagresponde at naaktuhan nila ang paglalaro ng mga suspek ng baraha.
Hindi na pinangalanan ni Tayaban ang mga suspek ngunit ang edad umano ng mga ito ay mula 22 hanggang 62 at sila ay magkakapitbahay.
Nabatid mula kay Tayaban na ang mga nahuling suspek at isang lalaki at siyam na babae.
Nakumpiska ng mga otoridad ang isang set ng baraha at mahigit P500 na natira sa lamesa matapos umanong nagtakbuhan ang mga ito ngunit agad ring nahuli.
Dagdag pa ni Tayaban na ipapakumpirma nila sa DSWD kung ang mga ito ay miyembro ng 4Ps o SAP benificiaries.
Samantala, ang mga suspek ay natagal na umanong nagsusugal ngunit ngayon lamang nahuli.