Naaresto nang muli ng Manila Police District ang lahat ng siyam na mga bilanggong nakatakas sa isang detention facility sa Maynila.
Ito ay matapos ang muling pagkakaaresto sa huling bilanggo na si Jefferson Bunso Tumbaga na nahuli sa bahagi ng Bacoor City, Cavity bandang alas-2:15am ng umaga.
Ang naturang mga preso ay pawang may kinakaharap na magkakaibang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga, pagnanakaw, at ilegal na pagmamay-ari ng baril o anumang armas.
Kung maaalala, ang muling pagkakaaresto sa mga nasabing mga bilanggo ay kasunod ng naganap na jailbreak noong Nobyembre 8, 2023 sa Manila Police Station 1 sa bahagi ng Tondo, Maynila nang sirain ng mga ito ang iron bar na bahagi ng rehas ng kanilang piitan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pamunuan ng MPD ukol dito upang alamin kung gaano kalalim ang naging kapabayaan ng mga jail officers na nakabantay dito.
Kaugnay nito ay sinibak na rin sa puwesyo ang mga sangkot dito na kinabibilangan na rin ng station commander nito, deputy, duty officer, at ang policemen on duty.