Nasagip at nasa ligtas na kalagayan ang 9 na crew members lulan ng half-capsized o bahagyang tumaob na motorbanca na Hasta Lavista sa may Tayabas bay sa bayan ng San Juan sa probinsiya ng Batangas niong araw ng Biyernes.
Agad na rumesponde ang Coast Guard Station Batangas matapos alertuhin ng Vessel Traffic Management Sysem sa naturang insidente na nangyari sa gitna ng masungit na panahon at masamang kondisyon sa karagatan.
Una rito, umalis ang naturang motorbanca mula sa Dinagat island, Surigao noong Disyembre 20 patungo sana sa Calatagan, Batangas nang mangyari ang insidente.
Noong gabi ng Disyembre 22, nagtamo ng pinsala ang motorbanca dahil sa malalakas na mga alon na nagresulta sa bahagyang pagtaob ng bangka sa bisinidad ng karagatan ng Laiya, San Juan sa lalawigan ng Batangas.
Ang naturang motorbanca ay isang 35-ton boat na bagong acquired at intended para sa passenger operations.