Lumabas sa imbestigasyon ng United Nation na maaaring sangkot sa October 7 attack ang 9 na mga empleyado mula sa main agency nito na UN Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) at hindi na nagtratrabaho sa ahensiya.
Sa kasalukuyan mayroong 14,000 staff members ang naturang ahensiya sa Gaza.
Una ng inilunsad ang naturang imbestigasyon noong Enero matapos akusahan ng Israel ang ilang empleyado ng UN agency na kasama sa naturang pag-atake na nag-iwan ng 1,200 kataong nasawi sa Israel.
Ilan sa 9 na empleyado ay sinibak noong Enero nang ginawa ng Israel ang naturang mga alegasyon. Ang iba naman ay pinatalsik matapos ang panibagong mga akusasyon mula sa Israel.
Nasa kabuuang 19 na empleyadong inakusahan ng Israel na kasama umano sa pag-atake ang inimbestigahan ng Office of Internal Oversight Services ng UN.