Iniulat ni Senator Risa Hontiveros na nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang 9 na minors na dating miyembro na tumakas mula sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na inilarawan ng mga Senador na kulto.
Maliban pa sa mga minor, nasa kustodiya na rin ng Task Force na pinamumunuan ni Justoce Secretary Jesus Crispin Remulla ang nasa apat na adults.
Umaasa naman ang Senadora na nagbunyag ng paglabag at pangaabuso ng SBSI leaders, na sasabihin rin ng dating miyembro ang katotohanan sa susunod na pagdinig ng Senado at makikipagtulungan sa testimoniya ng dating recource persons.
Una rito, pinasinungalingan ni SBSI leader Jey Rence Quilario na tinatawag na lider ng kulto na Senior Agila, ang mga alegasyon ng kanilang dating mga miyembro.