-- Advertisements --
image 12

Nagpahayag ng pagkabahala at kinondena ng ilang mga embahada ng ibang bansa na nasa Pilipinas kaugnay sa pamamaslang sa radio croadcaster na si Cresenciano Bunduquin matapos barilin ng dalawang riding in tandem na suspek sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa inilabas na statement ng embahada ng Amerika sa Maynila, binigyang diin nito na isang mahalagang elemento ng demokrasiya ang proteksiyon ng kalayaan ng mamamahayag.

Kapwa naman binigyang diin ng co-chais ng Media Freedom Coalition sa Pilipinas, ang Embahada ng Canada at Netherlands ang pangangailangan para sa safeguard ng media freedom upang malayang makapagtrabahoang mga mamamahayag ng walang takot sa kanilang buhay at nanawagan din sa gobyerno ng Pilipinas na tiyakin na mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

Welcome naman para sa co-chairs ng Media Freedom coalition ang mabilis na aksiyon ng law enforcement agencies para imbestigahan nag pagkamatay ni Bunduquin.

Nakiisa rin sa pagkondena sa pagpatay sa mamamahayag ang ang mga embahada ng Czech Republic, United Kingdom, France, Japan, Germany at European Delegation in Manila.

Uan rito, idineklarang dead on arrival ang mamamahayag matapos pagbabarilin sa harapan ng isnag tindahan sa C5 Road sa Barangay Sta. Isabel sa Calapan City.

Isa sa mga suspek ay namatay rin matapos na mabaril ng mga responding authorities noong Miyerkules.

Nauna ng inanunsiyo ng Presidential Task Force on Media Security ang PHP50,000 reward para sa sinuman na makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng gunman na nananatiling at-large.