-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isinuko sa tropa ng militar ang siyam na matataas na uri ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.

Isinuko mismo mismo ni Datu Unsay Maguindanao Mayor Datu Andal Ampatuan V ang mga armas sa 1st Mechanized Infantry Brigade at 1st Mechanized Battalion.

Ang mga baril ay isinuko ng mga sibilyan sa LGU-Datu unsay at bahagi ng pinalakas pa na kampanya ng gobyerno kontra loose firearms.

Pinasalamatan naman ni 1st Mechanized Infantry Brigade Colonel Jesus Rico Atencio ang inisyatiba ng LGU-datu Unsay.

“Malaki man o maliit ang mahalaga’y sama-sama nating hinaharap ang lahat ng suliranin tungo sa kapayapaan” ani Atencio.

Nanawagan naman ang militar at pulisya sa may mga hawak pa o tinatago na loose firearms na isuko na.