Nasa siyam na kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Qatar kasunod ng pagbisita ni Qatari Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani sa Malakanyang.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nangyari ang signing kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Al-Thani.
Kabilang sa mga nilagdaan ang kasunduan na may kinalaman sa waiver ng visa requirements para sa mga holders ng diplomatic at special o official passports, kooperasyon sa field of sports, field of youth at paglaban sa human trafficking.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa para sa technical cooperation at capacity-building sa usapin ng climate change, tourism and business events, at mutual recognition ng seafarers’ certificates.
Lumagda rin sa isang MOU o Memorandum of Understanding ang Philippines Chamber of Commerce and Industry at Qatar Chamber of Commerce and Industry habang pumirma rin sa isang trade agreement ang Davao City Chamber of Commerce at grupo ng mga negosyante sa nasabing bansa.