-- Advertisements --

LAOAG CITY – Arestado ang siyam na katao matapos maaktuhan ng mga otoridad na nagsusugal sa isang kubu-kubo sa gitna ng sakahan sa Barangay 22, San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ang mga ito na sina Mark Louie dela Cruz, Henson Valdez, Nick Anthony Vidad, Melvin dela Cruz, ken ni Aurelio Guira, parehong residente sa Barangay 10 sa nasabing bayan; Mark dela Cruz, Glenn Dela Cruz, Allen Borje, Aldrich Borje, pawang residente sa Barangay 11 sa bayan ng San Nicolas.

Nakumpiska ng mga otoridad sa lugar ang isang set ng baraha, P670 , lamesa, dalawang cellphone, powerbank at isang steel bar.

Maliban dito, nakumpiska pa ng mga pulis ang personal na pera ng mga suspek na umabot sa P3,740.

Sa ngayon, nanatili sa kustodyar ng PNP-San Nicolas ang mga suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.