-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) hinggil sa red tide alert sa ilang coastal areas sa bansa.

Batay sa advisory ng BFAR, inabisuhan nito ang mga mangingisda at consumer na maging maingat sa paghuli at pagbili ng mga shellfish at alamang na galing sa coastal waters ng mga lugar tulad ng:

-Pampanga

-Bataan

-Puerto Princesa Bay, Palawan

-Dauis at Tagbilaran City, Bohol

-Irong-Irong Bay, Western Samar

-Silanga Bay, Western Samar

-San Pedro Bay, Western Samar

-Cancato Bay, Tacloban City

-Liangan Bay, Surigao del Sur

Ayon sa BFAR nag-positibo sa paralytic shellfish poison ang samples na nakuha mula sa naturang mga lugar.

Samantala, lifted naman na ang red ride warning sa Sual, Pangasinan.

Ligtas naman daw kainin ang isda, pusit, hipon at alimango pero kailangan pa rin masiguro na nalinisan at nakalisikisan ng maayos ang mga ito bago ihain.