KORONADAL CITY-Ikinatuwa ng mga militar at mga lokal na gobyerno ang aabot sa 9 na mga dating miyembro ng kumunista at Daulah Islamiya Extremist ang nagbalik loob sa gobyerno sa lokal na pamahalaan at security forces sa Sultan Kudarat Province at General Santos City ang naitala sa loob lamang ng isang linggo.
Ito ang inihayag ni Lt.Col. John Paul Baldomar , tagapagsalita ng 6th infantry division Phil. Army sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon sa opisyal, 7 sa mga nasumuko ang galing sa terroristang Dawlah Islamiya Extremist-Hassan Group na nag-ooperate sa bayan ng Polomolok,South Cotabato habang ang 2 dalawang iba pa ang mga dating kasapi ng Squad Primera, Dragon Fruit Platoon, East DAGUMA Front of Far South Mindanao Region (FSMR) na nag ooperate naman sa mga bayan ng Kalamansig, Palimbang at Lebak.
Isinuko ng mga dating kasapi ng kumunistang grupo ang ilang mga armas na kinabibilangan ng (1) Remington 5.56mm R4 rifle, (1) caliber 30 Springfield Garand rifle, at (1) caliber .45 pistol,(1) shotgun, two (2) homemade 20 gauge pistol, one (1) caliber .38 revolver at sari-saring mga bala.
Umaasa naman ang militar na marami pang susuko ng miyembro ng terrorista at kumonistang grupo para bumalik na sa kanilang normal na pamumuhay.