-- Advertisements --

CEBU CITY- Emosyonal ang pamilyang Janson at Baguio ng Barangay Ermita, Cebu matapos napabilang ang kanilang kaanak sa lumubog na MV Jenny Vince sa karagatan ng Guimaras noong Agosto 3 pasado alas 12 ng tanghali.

Sakay sa MV Jenny Vince sila si Bernardo Janson, 58 anyos, Jared Janson, 4 anyos, Angelina Baguio, 56 anyos, Romeo Baguio Sr, 59 anyos, Romeo Baguio Jr, 28 anyos, Jay Arvin Baguio, 3 anyos, Romnel Baguio, 31 anyos, Danielle Baguio, 4 anyos at Danilyn Baguio, 27 anyos para samahan si Romeo na mamanhikan sana sa kanyang kasintahan na kinilalang si Maria Nieves Grandeza na nakatira sa Guimaras City.

Ayon kay Marcialisa Janson, ang asawa ng namatay na si Bernardo Janson na masakit isipin na buhay pang umalis ang kanyang kaanak ngunit patay na nang bumalik.

Kaya naman nanawagan si Marcialisa sa Cebu Gov’t at sa Local government ng Guimaras na tulungan sila para ma-iuwi ang labi ng kanilang kaanak dito sa Cebu.

Unang na-identify ang bangkay ni Romeo Baguio Sr. at Romeo Bagiuo Jr. habang hindi pa nakikita o nakilala ang iba pang 7.

Dagdag pa ni Marcialisa na masakit man, kailangan pa rin nila itong tanggapin dahil aksidente naman umano ang nangyari.