CENTRAL MINDANAO-Siyam na mga munisipyo ang tumanggap ng bagong ambulansya mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza matapos ang isinagawang turn-over ceremony sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City ngayong hapon August 23, 2022.
Personal na dumalo ang mga Municipal Mayors kasama ang kanilang mga Municipal Health Officer upang tanggapin ang naturang donasyon mula sa pamahalaang panlalawigan.
Kabilang sa unang tumanggap ay ang bayan ng Aleosan, Arakan, Carmen, Kabacan, Libungan, Magpet, Matalam, Pigcawayan at President Roxas.
Ayon kay Governor Mendoza, ang mga bagong ambulansya ay tutulong sa pagtugon at paghatid ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan tulad ng Medical-Dental Mission at Intensive Vaccination Drive.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga Chief of Offices mula sa lalawigan at ang ilang mga Board Members na sina Sitie Eljorie Antao, Jonathan Tabara, Joemar Cerebo, Ryl John Caoagdan at Phipps Bilbao.