-- Advertisements --

Sinentensyahan na ngayong araw ng 16 na buwan na pagkakakulong ang walong namuno sa malawakang 2014 pro-democracy protest matapos nilang hatulan ng public nuisance offenses.

Pansamantala namang ipinagpaliban ang pagbibigay ng sentensya sa isang nasasakdal na si Tanya Chan dahil kailangan daw umano nitong sumailalim ng surgery.

Ang pagsintensya na ito ay maituturing daw na pagsusumikap ng gobyerno sa semi-autonomous Chinese territory na magbigay babala patungkol sa pagpoprotesta.

Tatlo sa mga nasasakdal ang ikukulong sa loob ng 16 na buwan, ang isa naman ay sa loob ng dalawang taon, dalawa sa kanila ay sininstensyahan ng walong buwan na pagkakakulong at dalawa naman ang sinuspinde sa loob ng walong buwan samatala ang isa naman ay kailangang magsagawa ng 200 oras ng community service.

Hindi pa umano malinaw kung may balak maghain ng mga ito nang apela.

Ang siyam na nasasakidal ang nagsimula ng “Occupy Central” campaign kung saan inorganisa ito bilang nonviolent sit-in na kalaunan ay nakilala bilang “Umbrella Movement.”

Dito ay nagpoprotesta ang mga mamamayan patungkol sa karapatan umano nila sa malayang pagpili ng kanilang kandidato bilang bagong mamumuno sa Hongkong.