CAUAYAN CITY- Siyam na nurses ng Batanes General Hospital ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center ang Batanes General Hospital ay mayroon lamang 100 bed capacity at kung mayroong siyam na nurses ang infected ay malaking bagay na anya ito sa nasabing pagamutan.
Ayon kay Dr. Baggao maging ang mismong Chief of Hospital ng Batanes General Hospital na si Dr. Jeff Canceran ay nagpositibo na rin sa COVID-19.
Inihayag pa ni Dr. Baggao na nakahanda ang CVMC na magpadala ng nurses sa Batanes upang hindi makompromiso ang medical services ng Batanes General Hospital.
Nakahanda ring tanggapin ng CVMC ang mga pasyenteng nasa COVID-19 severe case na nasa Batanes General Hospital
Samantala, natanggap na ng Batanes General Hospital ang mga Personal Protective Equipment o PPE na ipinadala ng CVMC
Inihayag ni Dr. Baggao na nakipag-ugnayan sa kanya Chief of Hospital ng Batanes General Hospital na si Dr. Canceran at humihingi ng tulong sa CVMC dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lalawigan..
Sinabi ni Dr. Baggao na mayroon silang sapat na supply ng Personal protective equipment ang CVMC hanggang buwan ng Disyembre kayat nagbigay din sila ng PPE sa Batanes General Hospital bagamat dahil alam nila kung gaano ito kahalaga sa mga health workers.
Maari na rin anyang magbahagi ang CVMC ng mga kagaragdagang tent at cat beds para magamit ng Batanes General Hospital.