-- Advertisements --
Patay ang siyam katao habang marami ang missing sa nangyaring pagbaha sa Germany.
Nasa anim na rin na bahay ang sinira ng sama ng panahon.
Umabot naman sa 50 katao ang na-stranded sa ibabaw ng bubong at maraming mga bahay ang peligrong bumagsak.
Maraming mga fire brigades at rescue workers din ang idineploy sa mga apektadong lugar.
Samantala, dalawang bumbero na ang namatay sa rehiyon ng Sauerland, hilagang-silangan ng Bon matapos malunod sa isinagawang rescue operation.
Nagambala ang transportasyon ng riles at kalsada, at nasuspinde ang pagpapadala sa Rhine, isang mahalagang arterya sa kalakalan.
Nakaranas ng matinding pag-ulan ang timog-kanluran ng Germany ayon sa German Weather Service. (with reports from Bombo Jane Buna)