Dumating na sa bansa ang siyam na mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Laos.
Ang mga ito ay sakay ng flight na lumapag kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa Department of Migrant Workers, sila ang unang batch mula sa kabuuang 73 mga Pilipino na mga biktimang nailigtas sa Golden Triangle Special Economic Zone sa lalawigan ng Bokeo sa laos na itinuturing na scam syndicate.
Paliwanag ng ahensya, ang mga nasabing bilang ng mga manggagawa ay pinangakuan ng trabaho bilang customer service representatives sa Thailand.
Sa halip ay pinilit ang mga ito na magsagawa ng mga scamming activities sa Laos.
Kaugnay nito ay siniguro ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na magbibigay ang gobyerno ng tulong para sa mga narescue na mga Pilipino.
Magiging katuwang ng DMW ang OWWA, at Inter-Agency Council Against Trafficking sa pagbibigay ng pinansyal na tulong .
Magpapaabot rin ito ng libreng psycho-social support, legal assistance at isa pang mga serbisyo.
Samantala, nanguna ang Department of Foreign Affairs sa pagsagip sa mga naturang biktima.