-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang siyam na taong gulang na babae matapos masagasaan ng motorsiklo sa Brgy. 11 Bulbulala sa bayan ng Vintar.

Ang biktima ay isang Grade 3 pupil at residente ng nasabing lugar habang ang driver ng motorsiklo ay nakilalang si Rex Saguid y Aguinaldo, 42, may asawa at residente ng Sitio 1, Brgy. 14 Ester sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng PNP Vintar, habang binabaybay ni Saguid ang kalsa sa Brgy. Bulbulala ay biglang tumawid ang menor de edad.

Dahil dito, nasagasaaan ni Saguid ang bata at nagtamo ito ng pagkabali ng kaliwang paa at nasugatan ang ilang parte ng kaniyang katawan.

Agad namang nadala sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa siudad ng Laoag ang bata.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Vintar sa nasabing aksidente.