-- Advertisements --
Umaabot na sa siyam ang bumalik sa Iwahig, matapos mag-walkout dahil sa kabagalan ng pag-review sa kanilang good conduct time allowance (GCTA).
Ayon kay Maj. Alberto Tapiru, ang mga ito ay dati nang napalaya, ngunit nagbalik lamang dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling tingnan ang iginawad na GCTA sa kanila.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nag-walkout sa Iwahig Penal Farm ang 46 na mga dating inmate.
Muling nanawagan ang BuCor sa mga ito na bigyang daan ang proseso ng batas, upang makamit ang lehitimong kalayaan.