-- Advertisements --
Nasa siyam na katao ang nasawi matapos ang pagsabog ng mga handheld radio o mga ‘walkie-talkie’ sa iba’t-ibang bahagi ng Lebanon.
Hindi rin bababa sa 300 katao ang sugatan sa Dahiya, Beirut kung saan maraming mga Hezbollah fighters ang nakatira.
Ang nasabing insidente ay isang araw matapos ang pagsabog ng mga pagers na ikinasawi ng halos 20 mga Hezbollah at ikinasugat ng mahigit 2,000 katao.
Dahil dito ay pinayuhan ng gobyerno ng Lebanon ang mga mamamayan na lumayo muna sa paggamit ng mga communications gadget na maaring target ng Israel.
Hinala ng Lebanon na ang nasa likod ng insidente ay ang Mossad, ang spy agency ng Israel.