-- Advertisements --

Ligtas ng nakauwi sa Pilipinas ang 9 na overseas Filipino workers kasama ang 5 bata mula Lebanon na naipit sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng pwersa ng Israel at militanteng Hezbollah.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating ang mga ito may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sa lungsod ng Pasay.

Nakatanggap ang mga repatriated Filipinos ng on-site assistance at reintegration services mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa kasalukuyan, umaabot na sa kabuuang 111 OFWs mula Lebanon ang na-repatriate sa bansa.

Matatandaan na nilagay ng DFA ang Lebanon sa Alert Level 3 noong Oktubre 21 matapos umigting pa ang tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah na nasa Lebanon na kaalyado ng Hamas militants na nasa Gaza.

Sa ilalim ng Alert level 3, nananawagan ang DFA para sa boluntaryong repatriation ng mga Pilipino sa apektadong bansa.