-- Advertisements --
9 ofw lebanon

Dumating na sa bansa ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagmula sa bansang Lebanon.

Ang mga naturang OFW ay naipit sa tensyon sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel, at ang pakikisimpatya ng militanteng grupong Hezbollah sa grupong Hamas na siyang pangunahing kalaban ng Israeli Defense Forces.

Ligtas na nakalapag ang commercial flight na sinakyan ng mga Pinoy repatriates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na sinalubong ng mga kinatawan ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

Nanguna sa mga sumalubong sa kanila si Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 19 Lebanon-based overseas Filipinos, ang nakabalik sa Pilipinas simula nang buksan ng pamahalaan pagpapauwi sa mga ito, dahil sa pinangangambahan noon na spillover ng Israel-Hamas war sa Lebanon.

Patuloy pa rin ang koordinasyon ng pamahalaan sa mga OFWs na una na ring naghayag ng interes na bumalik na sa Pilipinas.

Samantala, tiniyak din ni DMW Sec. Cacdac ang naghihintay na tulong para sa mga repatriated OFWs.