-- Advertisements --

Umakyat sa 9 na pagbuga ng abo ang naitala sa Mt. Kanlaon sa Negros Island sa nakalipas na magdamag.

Tumagal ito ng hanggang 76 na minuto o mahigit isang oras.

Nananatili naman ang bulkan sa Alert Level: 3 na indikasyon ng mataas pa ring abnormalidad.

Maliban dito, may na-detect din na 26 volcanic earthquakes, kabilang na ang 9 volcanic tremors.

Mayroon pa rin itong Sulfur Dioxide Flux na umaabot sa 7,079 tonelada / araw.

Ang steaming plumes naman ay nasa 300 metro ang taas at napadpad sa kanluran-hilagang kanluranng isla.

Dagdag pa rito ang ground deformation na palatandaan ang aktibong aktibidad na posibleng humantong sa magmatic eruption.