-- Advertisements --

Patay ang siyam na Palestino na binubuo ng limang bata matapos ang ginawang pag-atake ng Israeli forces sa mga kabahayan sa Bureij refugee camp ng central Gaza Strip.

Maramng mga biktima rin ang itinakbo sa pagamutan matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nila.

Bukod sa Bureij refugee camp ay nagsagawa ng pag-atake ang Israeli forces sa mga katabing refugee camps sa central Gaza.

Bagamat patuloy ang panawagan ng mga bansa na itigil ang pag-atake ng Israel sa Gaza ay hindi pa rin nila ito pinapakinggan.