-- Advertisements --
SOUTH DAKOTA, USA – Patay ang siyam na sakay ng Pilatus PC-12 na single-engine turboprop plane, matapos itong mag-crash sa Midwestern region ng Estados Unidos.
Maliban sa mga nasawi, sugatan ang tatlong iba pa dahil sa pangyayari.
Ayon kay state attorney Theresa Maule Rossow, kasama sa mga namatay ang mismong piloto ng eroplano.
Ang mga survivor naman ay nilalapatan na ng lunas sa ospital sa Sioux Falls.
Nabatid na umalis sa paliparan ang single-engine plane bago magtanghali ngunit hindi na ito umabot sa Idaho Falls Regional Airport dahil sa aberya.
Tiniyak ng Federal Aviation Administration (FAA) at National Transportation Safety Board (NTSB) ang malalimang pagsisiyasat hinggil sa pangyayari. (AFP)