Pumalo na sa 9 na katao habang 54 na iba pang indibdiwal ang nasugatan matapos gumuho ang stage dahil sa malakas na bugso ng hangin habang isinasagawa ang campaign rally ng isang presidential candidate sa Mexico noong Miyerkules.
kabilang sa nasawi ang isang menor de edad habang ang ilan naman sa nasugatan ay nasa stable ng kalagayan at ang iba ay isinailalim sa operasyon ayon kay Governor Samuel Garcia ng Nuevo Leon state, Mexico
Ayon sa presidential candidate na si Jorge Álvarez Máynez, hindi siya nasugatan sa insidente na nangyari sa kaniyang campaign event sa northeastern city ng San Pedro Garza Garcia.
Sinabi naman ng gobernador ng Nuevo Leon state ng Mexico na nasagip ang nasa 54 na kataong nasugatan at nagpapatuloy ang kanilang rescue operations para maisalba ang ilan pang katao na na-trap sa ilalim ng gumuhong platform.
Samantala, ayon sa presidential candidate, maglulunsad ng imbestigasyon kaugnay sa naturang insidente.
Bago ang insidente, base sa forecast ng meteorological service ng Mexico makakaranas ng malalakas na hangin ang buong rehiyon at ibinabala ang bugso ng hangin na may lakas na 70 kilometers per hous mula noong hapon ng Miyerkules.