KORONADAL CITY – Umabot sa siyam ang nasawi habang walo (8) naman ang sugatan sa nangyaring pananambang na nagresulta sa engkwentro sa pagitan ng mga Civillan active auxillary (CAA) at MILF lost command sa Barangay Tapodoc, Aleosan, Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Dennis Almorato, tagapagsalita ng 6th ID Philippine Army sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang mga nasawi na sina CAA Ramel Santillana, 22,residente ng Colambog,Pikit, Cotabato; CAA Jesry Galo, 22; CAA Melvin Cabrerra, 30; CAA Johnrey Cabrerra, 22; CAA Moises Galo, 23; at CAA Jomar Roben, 36 anyos na pawang mga residente ng New Valencia Bualan Pikit Cotabato.
Habang sugatan naman sina:
- CAA Gibel Galo, 33; residente ng New Valencia, Bualan, Pikit, Cotabato; CAA Harison Galo, 27; CAA Dante Boboy, 25; at CAA Ariel Wacan, 35 na pawang mga taga-New Valencia Bualan, Pikit Cotabato.
Ayon kay Almorato, binabaybay ng isang CAA member na si Ramel Santillana ang bahagi ng Montawak, Barangay Tapodoc sa Aleosan na nasa 15 kilomtro lamang ang layo sa Aleosan Municipal Police Station nang pagdating umano sa Montawak road, bigla itong pinagbabaril ng grupo ng 105th BC MILF lost command group sa pamumuno ni Kumander Bravo na mula sa Langayen, Pikit, Cotabato na naging dahilan ng pagkamatay ni Santillana.
Nang matanggap ng mga kasamahan ni Santillana ang report, agad umano silang rumesponde sa lugar at doon nagpalitan ng putok ang magkabilang grupo.
Kinilala ang mga suspek na sina:
- Taut Dungadong, 34; Muhamad Ali, 35; Montaser Talano, 35 at isang Tikoy Piang na pawang mga residente ng Langayen, Pikit Cotabato.
Habang patay naman ang mga kasamahan nga mga ito na sina:
1.Julpikal Taya
2.. Julhaer Odin
- Sammy Ayunan A.K.A Sammy Palao
Rumesponde din ang 45th SAC-SAF kasama ang 90th IB at iba pang CAA members sa encounter site at agad na dinala sa Hospital Camp sa Siongco Brgy. Awang Datu Odin Sinsuat ang ibang sugatan.
Kasalukuyan namang nasa Doletin Funeral homes, Poblacion 8, Midsayap, Cotabato ang mga nasawi.
Sa ngayon, hinigpitan pa ang seguridad sa detachment sa posibilidad ng retaliatory attack ng grupo ni KUmander Bravo.